5.14.2009

Cager magnet?

(I'll post this thing in Tagalog, para mas feel.)

So, alam niyo naman na mahilig ako sa PBA, di'ba? At first fave team ko ang San Miguel? (Ay, hindi ko dapat sinabi kung gagawa ako ng quiz.) At first fave player ko si Dondon Hontiveros? (Ay, spilled the beans again.) So, nung wala pa akong kamuwang-muwang, nalaman ko na may "thing" sila ni Valerie Conception. Lumalabas sila (ng pinto)? Interacting and all those chever? Hindi ko alam. Pakialam ko? Sabi ni Valerie, fave player niya si DH kaya siya nanonood ng live games kung kailan niya afford. Teka, afford naman yata niya lagi eh. I smell something fishy. Or baka truck lang yun ng basura na dumaan sa tapat ng bahay. Hay, ang labo ko talaga.

Nung may klase pa kami, sabi ng isang kapwa PBA fan sa'kin na may balak daw na i-date ni Wesley Gonzales si Val. Okay, may DH na nga siya eh, papatol pa sa kapwa SMB. Sorry Val.

Tapos ngayon! Nanood ako ng replay ng PBA players sa Wowowee chever sa YT. Ayoko nang makita pa, kaya hindi ko na-hyperlink. Kayo na ang bahalang maghanap. Nandun si Cyrus Binagyo (ehe, Baguio pala. Ako nga pala si Binagyo.). Bale, inaasar siya ni Willie kay Val. Tapos parang sabi ni Val, "Textmate ko lang 'yang si Cy!" S**t, ang close. Inggit ka, Em? Yuck. So within the duration of the segment, kilig na kilig ang mga tao. Duhh, sino'ng hindi? Maski nga kapatid ko eh, nagtanong, "Ate, sila na ba?" Sabi ko, "Ewan ko. Paki ko ba." Sabay sabat, "Nyeh, Ate, selos ka lang eh!" Shungak talaga 'tong kapatid ko, kahit kailan.

So anong kalabasan? Ano siya, cager magnet? Hay naku. Buti na lang hindi pa niya nilalapitan si JD. Kung hindi, lagot siya sa lahat ng taong nagpapantasya kay JD. At isa na ako dun.

Val, isa lang ang masasabi ko. Share your blessings naman, akin ang isa! Joke. Kahit number na lang ni Cy (yuck, FC), ok na. Ayt ba? :))


Aiz, this is the reason why I hate celebrity coupling. Define hate.

Comment! Comfort! Come on! :))
blog comments powered by Disqus