4.03.2010

Bisita Iglesia and Campaign Propaganda (from Livelancer)

Kung isa kayo sa mga followers ko sa Twitter, mapapansin niyong karamihan sa mga tweets ko ay naglalaman ng galit sa mga plagiarists. Gusto ko mang gawing subject ng article ko yun, hindi ko pa kayang gawing tactful yun. So, ito muna. Abangan niyo na lang na mapuno na talaga ako, at gagawa rin ako. Promise.

April 1, 2010. Oo, April Fool's day. Pero kung devout Catholic ka, isasantabi mo iyon para sa paggunita ng Maundy Thursday. At dahil diyan, Bisita Iglesia time. Pero teka, ano nga ba ito? Bibisita ka sa pitong simbahan upang mag-Way of the Cross. Or kung ayaw mo, bumisita ka at magdasal. Hindi ko inaasahang magiging memorable kahit paano ang Bisita Iglesia namin. Kasi naman, yung mga simbahang napupuntahan namin dati, ano... Ganito na lang. Katapat nito ang munisipyo. Bale, ang munisipyo, napakaganda. Parang mansyon. Ang simbahan naman, parang kinalambaan ng sangkaterbang kalabaw, binagyo ng Ondoy at Pepeng, at nilindol. Ang saklap. Ngayon, mga tipong parang airconditioned (pero malakas lang ang hangin), maganda ang loob, at maraming uri ng taong nakakasalamuha. Ang picky ko, 'no?


Read more and comment HERE. Thanks. :D
blog comments powered by Disqus