6.13.2009

Supposed to do a sample article. Made this instead.


Got 'ya, Marv.
(Credits to Redtangent, kahit hindi pwedeng i-save by right-click, nag-screen shot na lang ako. Kahit Atenista ka, nag-exert ka pa rin ng effort na kuhanan ng picture 'tong si Cruz. Thank you.)

Adik. Dapat gagawa ako ng sample article para sa "The Manresan", pero wala akong maisip na matinong topic. Tapos napadpad pa ako sa thread ni Marvin Cruz sa Peyups forum. Mga adik yung mga nag-p-post dun. May manager, may die-hard fan, may nagpapantasya. Gusto ko sanang makisama or mag-post dun, kaso locked na yung thread. Salbahe.

Ano'ng mga nakita ko sa thread? Ayun nga, mga "managers", die-hard fans, at mga nagpapantasya. Define each.

Die-hard Fans
Yung mga taong... nagagalingan kay Cruz. Magaling nga naman yung tao. Mga adik din sila. Define adik. Well, sinasabi nilang diyan lang sa Katipunan nakatira yung tao. Stalker? Nakita daw nila yung tao sa UP gym, may practice daw. Adik, stalker nga. Nandun yung teammates niya, yung mga hindi ko kilala, pati na rin si Jireh Ibañes. Bakit ako, hindi ko nakikita? Ang daya! HIndi nila tanggap na si JV Casio ang naging MVP nung season na 'yun. Para sa kanila, si Cruz pa rin ang MVP. At hindi magbabago yun. How loyal.

Managers
Ito yung mga taong nagbabantay ng thread ni Cruz. Teka, bakit by last name? Marvin na nga lang. Bawat post ng mga fans, tinitingnan, at makalipas ang ilang minuto, sasang-ayunan. Ito rin yung mga taong ipinagmamayabang na nakakaalam ng cellphone number niya. At tinututukan kung may load ba siya o wala. Kung pupunta sila sa kung saan man kasama ang ilan sa mga die-hard fans, at nakita nila si Marvin, sila yung unang makikipag-usap. Buti na lang "down-to-earth at malapit sa fans" itong taong 'to eh, kung hindi maiinis lang siya sa kakasunod ng mga tao sa kanya. *EDIT!* Manager nga niya yung namamahala ng thread. Nakita ko sa blog nung person. Adik.

Nagpapantasya
Mga taong "crush na crush" (este, "love na love") si Marvin. Sumasang-ayon sila sa mga die-hard fans na dapat siya ang MVP, pero may kadugtong. "... Gwapo ka pa rin." Adik. Ito rin yung mga taong sa tingin ko ay may picture kasama siya, at ipinagmamayabang sa buong forum. Yung mga may kapasidad na mag-isip ng adjective na related sa beauty at idinudugtong sa pangngalan niya. "Flawless pa rin!" Minsan, kapag sa tingin nila ay kailangan nilang mag-hinay-hinay, ganito ang nilalagay nila. "****less!" Adik.

Hindi ko na tinapos yung pagbabasa ng buong thread, kasi 40+ pages na, at matatawa at maiinis lang ako sa pagka-adik nila. At naiinis pa rin ako kasi UP alumni lang ang pwedeng mag-post. At hindi na nga pala ako pwedeng mag-post kasi sinara na nila yung thread. Sabi ko nga kanina, salbahe.

Sa PBAFO nga rin eh, nung tiningnan ko yung thread nila, ganun din. Kaso puro mga nagpapantasya lang at die-hard fans. Teka, bakit ko tiningnan yung thread? Mod ako ng kabilang forum, eh ako yung naatasang mag-fill up ng kulang na thread ng ibang players. Hindi ko alam kung paano yung format ng thread, at hindi ko alam kung paano i-spell ang "marvelous" (baka mamaya double L eh!), kaya tiningnan ko na lang dun. Eh bakit ako naging mod ng forum? Ibang kwento na yun. ;D
blog comments powered by Disqus